top of page
Home
Watch
Watch live
English sermon archives
Tagalog sermon archives
Church activities
About Us
Events
Our Ministries
Visit Us
More
Use tab to navigate through the menu items.
Log In
tagalog sermon archives
Tagalog sermon archives
All Categories
Play Video
Play Video
53:31
Sambang Tagalog para sa Ika 16 ng Noviembre 2025
Tagapagsalita: Pastor Ariel Genido Texto: 2 Samuel 12 Inusig ng Dios si David sa kanyang pagkakasala. “Sa isang lunsod ay may dalawang lalaki, mayaman ang isa at ang isa'y dukha. 2 Maraming kawan at bakahan ang mayaman, 3 samantalang ang dukha ay may isa lamang munting babaing tupa. Inalagaan niya ito at pinalaking kasama ng kanyang mga anak. Kinakalong niya itong parang anak na babae, isinasalo sa pagkain at pinapainom. 4 Minsan, may manlalakbay na naging panauhin ng mayamang lalaki. Sa halip na sa kanyang kawan kumuha ng hayop na papatayin, ang kaisa-isang tupa ng dukhang iyon ang kinuha ng mayaman. At iyon ang inihanda niya para sa kanyang panauhin.” Bakit kaya nagawa ng Mayaman ang katayin ang kaisa-isang tupa ng dukha para ihain sa kanyang bisita na manlalakbay? Samantalang malinaw na malinaw na may kawan naman siya ng mga tupa. Lalaong masakit na isipin na ang kaisa-isang tupa na ito ay itinuring na parang anak na babae, isinasalo sa pagkain at pinapainom. Inalagaan pa niya ito at pinalaking kasama ng kanyang mga anak. May mga tao kayang sadyang ganoon? Na hindi man lamang inisip kung papaano siya makakasakit ng damdamin ng iba at parang dinudustay niya lamang ang katayuan nito sa buhay. Sa madaling sabi, ipinapaalam niya na mas importante ako sa iyo at ikaw ay bale-wala dahil sa kanilang katyuan sa buhay. ito ang hinalimbawa ni Natan kay Haring David kaya't napukaw bigla ang poot ni David doon sa mayaman. Ang hindi niya alam, siya ang tinutukoy na mayaman. MInsan tayo ay nakakapasok sa pagkakasala dala ng ating pagsunod sa tawag ng laman. Kalimitan ay napagbibigyan natin ng palusot o justification/ pangangatuwiran ang ating kabuktutan. Lalo na kung meron natayong pamamaraan dahil sa iyong katayuan sa buhay. Kung hindi ito itutuwid, ito ang siyang tuluyang maglalayo sa atin sa ating relasyon sa Dios. Sa buhay din ni David ay nagbunga pa rin ng iba't ibang masamang pangyayari sa kanilang pamumuhay niya at ng kanyang mga anak kahit na humingi siya ng kapatawaran sa Dios at pinatawad siya nito. Gamitin nating aral ang pangyayari na ito sa buhay ni David. Iwasan nating magpadala sa tawag ng ating laman at kagustuhan ng mata. Isuko natin ang mga ito sa Dios. Iwasan natin ang pagbubunga ng masama ang kasalanang ating inihasik. Lumapit lagi tayo sa Dios para maitama ang mail. Ingatan natin ang ating puso. Lagi nating italima ito sa Dios upang hindi tayo matangay ng kasakiman na pansarili.
Play Video
Play Video
53:55
Sambang Tagalog para sa ika-09 ng Noviembre 2025
Tagapagsalita: Alex Cruz Texto: 2 Samuel 11 Si David at Bathsheba 2 Isang hapon, pagkagising ni David, umakyat siya sa bubungan ng palasyo at naglakad-lakad. Mula roon, may natanaw siyang isang babaing naliligo. Napakaganda ng babae. 3 Ipinagtanong niya kung sino iyon. Sinabi sa kanya na iyo'y si Batsheba, anak ni Eliam at asawa ni Urias na isang Heteo. 4 Ipinakuha niya si Batsheba na noo'y katatapos pa lamang ng kanyang paglilinis ayon sa tuntunin para sa mga babaing nireregla. Sinipingan siya ni David, at pinauwi pagkatapos. 5 Dahil sa nangyaring ito, si Batsheba'y nabuntis, at ipinasabi niya ito kay David. Sa ating pag-aaral na ito, mukhang nalihis na naman ng landas si Haring David. Kung inyong mapapansin, tinutulungan na nga siya ng kanyang mensahero na iwasan na niya ang masamang binabalak niya, "Sinabi sa kanya na iyo'y si Batsheba, anak ni Eliam at asawa ni Urias na isang Heteo." Translation: Bossing may asawa na po iyan! Pero di pa rin sinupil ni David ang kanyang nag-aalab na pagnanasa sa kanyang di dapat nakita. Hindi nagkukulang ang salita ng Dios para makaiwas tayo sa pagnanasa lalo na mula sa mata- sa ating nakikita. Kaya sabi nga ni Job, 31 “Ako'y taimtim na nangako sa aking sarili, na di titingin nang may pagnanasa sa ibang babae. Ang ating mata ang siyang pangunahing pintuan papunta sa ating puso. Dapat nating pag-ingatan ito sapagkat sabi sa kawikaan 23 Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay. Alam natin na si Joseph ay tumakbo at umiwas noong siya ay tinutukso ng asawa ni Potiphar. inaka mainamm na sigurong gawin iyon upang umiwas na makagawa ng kasamaan o kasalanan sa Dios. Sa Matteo 5 ang sabi kung sinuman na tumingin lamang sa isang babae na may pagnanasa sa kanilang mata ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kanyang puso. Hindi lamang sa tawag ng laman ang magiging pagiwas kung ating pag-iingatan ang ating nakikita. Maiiwasan din natin ang inggit, kasakiman, maging ang paghahangad ng hindi atin. Nakalulungkot na hindi inintindi ni David ang payo ng mensahero at dito nagpaulit-ulit ang pagkakasala ni David upang pagtakpan lamang ang una niyang pagkakasala. Tila isang butas na humihigop ang kasalanan, kung hindi magsisisi at umiwas, palayo ng palayo ang daloy nito mula sa pagbibiyaya ng Dios. At palaki ng palaki ang pagkakasala samantalang maiiwasn naman pala.
Play Video
Play Video
59:05
Sambang Tagalog para sa ika-02 ng Noviembre 2025
Tagapagsalita: Pastor Jun Cardenas Texto: 2 Samuel 10 Ang Kabutihan ni David na tinanggap bilang isang Pagbabanta 10 Mga ilang panahon pa ang lumipas, namatay si Nahash, ang hari ng mga Ammonita. Pinalitan siya ng anak niyang si Hanun bilang hari. 2 Sinabi ni David, “Magpapakita ako ng kabutihan kay Hanun dahil naging mabuti ang kanyang ama sa akin.” Kaya nagpadala si David ng mga opisyal para ipakita ang pakikiramay niya kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito. Gumawa na ba kayo ng isang pagpapahayag ng kabutihan at pagmamahal dahil sa pagmamahal at natanggap biyaya mula sa Panginoon? Pagkatapos ay parang binaligtad ang inyong layunin at inisip na kapahamakan ang nais ninyong maging bunga ng inyong ginawa? Sa kasamaang palad, nangyayari ito dahil sa maitim na budhi ng mga taong malayo sa Dios. Dahil ba dito, dapat ba huwag na tayong magbalak ng gumawa ng kabutihan? Sabi sa salita ng Dios, " 9 Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko." Gal. 6:9 Dahil ang mundo ay hindi na perpekto at pinaghaharian ng kasamaan ay inaasaahan natin na magyayari ang mga bagay na ito at tayo ay hinihikayat na huwag sumuko. Dahil sa ginawang kabutihan ni David, napaaway pa sila at nagkarron ng malaking pagtutunggali. Makikita natin na kahit ganoon ang nangyari ang paupupulot pa rin natin sa kanilang sinasabi, Kung ano man ang mangyayari, ang kalooban pa rin ng Dios ang siyang maghahari. v 1212 Magpakatatag tayo at buong tapang na makipaglaban para sa ating mga mamamayan at mga lungsod ng ating Dios. Gagawin ng Panginoon kung ano ang mabuti para sa kanya.” Siguro ito na ang pinaka nakakahikayat na aral dito, " Gagawin ng Panginoon ang mabuti para sa kanya" kaya ipagkatiwala natin sa kanya.
Play Video
Play Video
01:03:31
Sambang Tagalog para sa ika-26 ng Oktubre 2025
Tagapagsalita: Bro. Alex Z. Cruz Texto: 2 Samuel 9 Si David at si Mephibosheth 6 Ang pangalan ng anak ni Jonatan ay Mefiboset at apo siya ni Saul. Pagdating niya kay David, yumukod siya bilang paggalang dito. Sinabi ni David sa kanya, “Ikaw pala si Mefiboset.” Sumagot siya, “Ako nga po.” 7 Sinabi ni David sa kanya, “Huwag kang matakot. Ipinatawag kita dahil gusto kitang pakitaan ng kabutihan dahil sa iyong amang si Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at hindi lang iyan, dito ka na palagiang kakain kasama ko.” Sa 1 Samuel 20 ay nagkaroon ng kasunduan si Jonathan at si David. Para mawala ang pag-aalinlangan ni David sa katpatan ng kaibigan niyang si Jonathan, ito ang kanyang sinabi,: 12 Sinabi ni Jonatan kay David, “Nangangako ako sa Panginoon, ang Dios ng Israel, na bukas sa ganito ring oras, o sa susunod na araw, makikipag-usap ako sa aking ama, at kung mabuti ang pakitungo niya tungkol sa iyo, ipapaalam ko sa iyo. 13 Pero kung may balak ang aking ama na patayin ka, at hindi ko ito ipinaalam sa iyo para makatakas ka, sanaʼy parusahan ako nang matindi ng Panginoon. Ngayon, samahan ka sana ng Panginoon gaya ng ginawa niya noon sa aking ama. 14 At ipakita mo sana ang pagmamahal mo sa akin habang akoʼy nabubuhay pa gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa atin. At kung patay na ako, 15 ipagpatuloy mo pa rin ang pagmamahal sa pamilya ko, kahit pa patayin ng Panginoon ang lahat ng kaaway mo.”
Play Video
Play Video
01:02:36
Sambang Tagalog para sa ika-19 ng Oktubre 202
Tagapagsalita: Pastor Jun Cardenas Texto: 2 Samuel 8 15 Naghari si David sa buong Israel. Ginawa niya ang matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya. 16 Si Joab na anak ni Zeruya ang namumuno sa mga sundalo niya. Si Jehoshafat naman na anak ni Ahilud ang namamahala sa mga kasulatan ng kaharian. 17 Sina Zadok na anak ni Ahitub at Ahimelec na anak ni Abiatar ang mga punong pari. Si Seraya ang kalihim. 18 Si Benaya na anak ni Jehoyada ang namumuno sa mga Kereteo at Peleteo na mga personal niyang tagapagbantay. At ang mga anak niyang lalaki ang mga tagapayo niya. Pagkatapos maiayos ni David ang lahat ng kailangan niya upang iseguro ang kalagayan ng Kahon ng Tipan ay bingyan siya ng Dios ng panahon ng katahimikan. Pagkatapos noon ay , sunod-sunod na napagwagian ni David ang kanilang mga kaaway. Dahil dito isa-isang natupad ang mga pangako ng Dios sa Israel at nakapaghari si David ng maluwalhati. Tunay na makikita natin na kapag inuna natin ang Dios, ang lahat n ibang bagay na ating pinaguukulan ng alalahanin ay napapawi. Ito ang nais ipakita ng Dios sa atin sa yugto na ito ng buhay ni David. Mga bagy na akala natin na matagal ng nabinbin ay nagkakaroon ng sangkatuparan kapag ang Dios ang inuna natin.
Play Video
Play Video
01:04:36
Sambang Tagalog para sa ika-12 ng Oktubre 2025
Tagapagsalita: Kap. Joven Calingo Texto: 2 Samuel 7 Ang Pagnanais ni David na igawa ng Templo and Panginoon 4 Ngunit nang gabi ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Natan, 5 “Pumunta ka kay David na aking lingkod at sabihin mo, ‘Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan? (5 “Go and tell my servant David, ‘This is what the Lord has declared: Are you the one to build a house for me to live in? NLT) 6 Mula nang ilabas ko sa Egipto ang Israel, wala pa akong bahay na masasabing akin. Hanggang ngayo'y tolda pa ang aking tahanan. 7 Kahit lagi akong kasama ng Israel, wala akong sinabing anuman sa sinumang pinuno tungkol sa tahanang sedar na dapat kong tirhan, gayong ako ang pumili sa kanila upang mamahala sa aking kawan.’ Nabahala si David dahil siya ay nakatira sa isang palasyo na gawa sa Sedar samantalang ang Ang Kaban ng Tipan ay nasa ilalim lamang ng isang tolda. Sinabi niya kay Nathan ang balak niya at noong una hinimok ni Nathan si David na gawin ang balak niya. Nguni't kinagabihan sinabihan ng Panginoon si Nathan na sawayin si David sa kanyang binabalak sapagka't anak ni David ang gagawa ng bagay na iyon. Makikita natin sa First Chronicles 22:8 na inayawan ng Dios si David dahil sa marami siyang napadanak na dugo sa kanyang pakikidigma kaya ang anak na lang niya ang gagawa ng Templo. Ang maganda kay David ay kahit na nabigo ang kagustuhan niya, siya ay sumunod sa pagsaway sa kanya ng Dios. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob o lumayo sa Dios dahil sa pagtatampo at sa halip ay tumulong siyang paghandaan ang mga material na kakailanganin upang magawa ng anak niya ang Templo.
Play Video
Play Video
01:10:51
Sambang Tagalog para sa ika-05 ng Oktubre 2025
Tagapagsalita: Pastor Jun Cardenas Texto: 2 Samuel 6 Ang Pagpapasalamat Dahil ang Arko ay Nadala na sa Jerusalem. 12 May nagbalita kay Haring David na pinagpalang mabuti ni Yahweh si Obed-edom. Ito'y ikinagalak niya, kaya kinuha niya ang Kaban ng Tipan at dinala sa Jerusalem. 13 Hindi pa man nakakalayo, nakakaanim na hakbang pa lamang ang mga may dala ng Kaban ng Tipan, pinahinto na sila ni David at naghandog sila ng isang toro at isang pinatabang baka. 14 Isinuot ni David ang isang linong efod, at nagsasayaw siya sa harapan ni Yahweh. 15 Habang lumalakad ang mga Israelita, nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trumpeta. 20 Pag-uwi ni David upang batiin ang kanyang pamilya, sinalubong siya ni Mical na may ganitong pagbati: “Dakilang araw ito sa hari ng Israel na parang baliw na nagsasayaw sa harapan ng mga aliping babae ng kanyang mga tauhan.” Minsan, mayroon tayong naiisip na hindi maganda sa ginagawa ng mga kasama natin. Dahil hindi abot sa ating sariling pamantayan nakukulayan natin ng ating sariling kaisipan ang aksyon ng ibang tao at hinahatulan natin ng hindi maganda o mali ang kanilang ginawa. Makikita natin ito sa naging reaksyion ni Mical sa kanyang asawa na si David. Samantalng si David ay nagdiriwang at ipinakita niya ang malabis niyang kasiyahan at pagpapasalamat sa Dios na ang Arko ay nailagay din nila sa wakas sa Jerusalem pagkatapos ng kamatayan ng isang tao (si Uza) na tumutulong na alalayan ito dahil muntik na itong mahulog. Naantala ang kanilang nga balakin at napatigil sa lugar ito (Obed-Edom) na hindi nila doon gustong ilagay. Pagkatapos lang ng mahabang panahon sila nagkalakas loob na muli itong ilipat dahil and lugar na iyon ay pinagpala dahil naroroon ang Arko. Dahil nga dito taos at walang anumang kaisipang ang humadlang kay David para ipakita ang kanyang pasasalamat. Hindi ito nagustuhan ng kanyang asawa dahil daw hindi ito kagalang-galang para sa isang Hari. Kayo, nahihiya ba kayong pumalakpak, magtaas ng kamay, umawit kahit walang tono, sumayaw o umindak bilang pagpupuri at pasasalamat sa Dios. Tanungin natin ang ating mga sarili. Nakakahiya nga ba na ipakita ko ang aking pagatanaw sa kabaitan at katapatan ng Dios? Mag-ingat sapagkat maaaring ang iyong sariling pagpipigil ang siyang nagiging hadlang para ibukas ang pagpapala ng Dios sa iyo. Tulad ng nangyari kay Mical. Sana pakaisipin natin. Pastor Jun Cardenas Atin pong pag-aralan ang kabanata na ito at suriin natin kung ano ang ninanais ng Panginoon sa atin. Aasahan namin ang inyong pagdalo. 8:00 NU PST sa 675 S. White Ave. Pomona Ca 91766.
Play Video
Play Video
55:01
Sambang Tagalog para sa ika-28 ng Setiembre
Tagapagsalita: Pastor Jun Cardenas Texto: 2 Samuel 5 Ang kaganapan ng Kalooban ng Dios para kay David. 2 Nang si Saul pa ang hari namin, pinangunahan mo ang mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ni Yahweh na ikaw ang magiging pastor ng Israel at ikaw ang mamumuno sa kanyang bayan.” 3 Lahat ng pinuno ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo'y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel. Marahil alam natin na hindi dumarating agad sa buhay natin ang ating mga minimithi. Malimit ay naiinip tayo at gumagawa ng pamamaraan para ma short cut natin ang ating panagarap. Kitang kita natin sa mga contractor at politiko sa Pilipinas na gumagawa sila ng kalikuan para marating agad ang mga hangad nila. Dapat ay tularan natin si David na imbis na gsnoon ang gawin, siya ay sumangguni sa Dios. Hindi niya pinatulan ang mga tao na gumagawa ng di ayon sa kalooban ng Dios sa pag-aakalang ang short cut na iyon ay kakagatin ni David. Pag-aralan natin mga kapatid at tularan natin ang huwaran ni David sa mga pagkakataon na ito sa buhay niya. Dumating siya sa kalooban ng Diyos ayon sa akmang panahon ng Dios.
Play Video
Play Video
59:06
Sambang Tagalog para sa ika-21 ng Setiembre 2025
Tagapagsalita: Kap. Alex Cruz Texto: 2 Samuel 4 Ang Pagpaslang Kay Isboset 5 Isang tanghali, sina Recab at Baana ay pumasok sa tahanan ni Isboset samantalang ito'y namamahinga. 6 Hindi sila namalayang pumasok sapagkat ang babaing bantay-pinto ay nakatulog dahil sa pagod sa paglilinis ng trigo.[a] 7 Kaya't tuluy-tuloy sila sa silid ni Isboset at pinatay nila habang ito'y natutulog. Pinutol nila ang kanyang ulo saka sila tumakas. Magdamag silang naglakbay sa lupain ng Araba patungo sa Hebron. Si Isboset na anak ni Saul ay itinalagang Hari ni Abner ang pinuno ng hukbo ni Saul ng si Saul any namatay. Kaya inilagay ni Abner si Isboset sa luklukan ng hari ay dahil may ambisyon si Abner na siya mismo ay maghari. Alam ni Abner na kayang kaya niyang paikutin si Isboset para masunod ang kanyang kagustuhan. Kaya namuno si Abner na hari sa likod ni Isboset. Kaya lamang nagkaroon ng gusot sa plano at dahil dito pinatay si Isboset. Halina't sama-sama nating pag-aralan ang nangyari.
Load More
bottom of page